Posts

KALDERETA

Image
http://wilmamorgia.blogspot.com/2011/07/caldereta-kaldereta.html Sinimulan ko ang araw ko katulad ng isang normal na araw. Nag-ayos ng sarili at nagpasyang kumain ng almusal sa karenderyang araw-araw kong pinupuntahan. "Isang kaldereta at kanin nga po," ang aking sinambit sa tindera. "Ay wala pong kaldereta ngayon ineng," sagot ng tindera na siyang nagpagunaw ng aking mundo. Bakit ngayon pa na talagang inaasam ng aking sikmura ang masarap na kaldereta? Kaya naman napagdesisyunan kong aralin ang pagluluto ng kaldereta. Isa sa mga paboritong pagkain ng mga Pinoy ay ang kaldereta. Ang kaldereta ay nagmula sa salitang Espanyol na "caldera" na nangangahulugang kaldero. Ito ay kilalang ulam kung saan karne ng kambing o baka ang kadalasang ginagamit. Sinasamahan din ito ng  tomato sauce , toyo, patatas,  liver spread, bell pepper, carrots  at iba pang mga rekados. At ngayon nais kong ibahagi ang  recipe  na aking ginamit sa pagluluto ng aking kaldereta....