KALDERETA

Related image
http://wilmamorgia.blogspot.com/2011/07/caldereta-kaldereta.html
Sinimulan ko ang araw ko katulad ng isang normal na araw. Nag-ayos ng sarili at nagpasyang kumain ng almusal sa karenderyang araw-araw kong pinupuntahan. "Isang kaldereta at kanin nga po," ang aking sinambit sa tindera. "Ay wala pong kaldereta ngayon ineng," sagot ng tindera na siyang nagpagunaw ng aking mundo. Bakit ngayon pa na talagang inaasam ng aking sikmura ang masarap na kaldereta? Kaya naman napagdesisyunan kong aralin ang pagluluto ng kaldereta.
Isa sa mga paboritong pagkain ng mga Pinoy ay ang kaldereta. Ang kaldereta ay nagmula sa salitang Espanyol na "caldera" na nangangahulugang kaldero. Ito ay kilalang ulam kung saan karne ng kambing o baka ang kadalasang ginagamit. Sinasamahan din ito ng tomato sauce, toyo, patatas, liver spread, bell pepper, carrots at iba pang mga rekados. At ngayon nais kong ibahagi ang recipe na aking ginamit sa pagluluto ng aking kaldereta. 

MGA SANGKAP
• 1/2 kilo ng brisket beef
• 1 green bell pepper
• 1 red bell pepper
• 1/4 tasa ng black olives
• 1/4 tasa ng greenpeas
• 1/2 lata ng liverspread
• 1 tasa ng tomato sauce
• 1/8 tasa ng tomato paste
• 1-2 tasa ng tubig o beef  stock
• Siling labuyo
• Dahon ng laurel
• Bawang
• Carrots
• Sibuyas
• 2 pirasong patatas
• Patis
• Toyo
• Asin
• Keso
• Pamintang durog
• Mantika
PARAAN NG PAGLULUTO
1. Ibabad ang hiniwang baka sa toyo at pamintang durog sa loob ng 30 minuto.
2. Maggisa ng bawang at sibuyas. Iprito dito ang ibinabad na karne.
3. Ihalo ang liver spread.
4. Isunod ang patis, tomato paste at tomato sauce
5. Lagyan ito ng tubig o beef stock bilang ito ang magpapalambot sa baka.
6. Isama na ang carrots, patatas, at laurel.
7. Isunod ang mga bell pepper.
8. Pakuluan ng 20 minuto.
9. Ilagay ang olives, sili, at keso.
10. Pakuluan muli ang 20 minuto hanggang tuluyang lumambot ang mga sangkap
11. Ihuli ang greenpeas.



Comments